VIRAC, Catanduanes (Eagle News) – Isa pang malaking laboratoryo ng shabu ang natuklasan sa Virac, Catanduanes. Sa pagtutulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Anti illegal Drugs Group (AIDG) at PNP natunton ang nasabing laboratoryo.
Ayon kay PNP-Bicol Director C/Supt. Melvin Ramon Buenafe, natukoy na nila ang may-ari ng warehouse na si Angelica Balmadrid at ang isang Chinese National na si Jason Gonzales Uy na nangungupahan sa nasabing bodega. Bukod dito ay patuloy pa rin nilang inaalam ang iba pang mga nasa likod na sangkot din sa nasabing iligal na pagawaan ng shabu.
Sa kasalukuyan ay mayroon na silang hawak na mga pangalan na pinaghahanap na ng mga awtoridad. Ayon sa AIDG hindi karaniwang pagawaan ng shabu ang nasabing laboratoryo kundi ito ay maihahanay na Mega Laboratory na kayang gumawa ng 200 hanggang 500 na kilo ng shabu.
Dennis Jardin – EBC Correspondent, Catanduanes