ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isang bagong tuklas na talon (falls) na matatagpuan sa bahagi ng Brgy. Cabingtan, Ormoc City, Leyte ang itinuturing nila na potential na maging tourist spot ng lungsod. Ang nasabing falls ay personal na pinuntahan ni Ormoc City Mayor Richard I. Gomez kasama ang ilang opisyales ng lungsod.
Mahirap man ang paglalakbay para marating ang nasabing talon dahil mahigit kumulang sa 20 kilometro ang lalakarin subalit ng namasdan nila ang natural na kagandahan nito ay ipinasya nila na paunlarin at i-develop ito. Karagdagan aniya itong destinasyon ng mga turista lokal o dayuhan man.
Kimberly Urboda – EBC Correspondent, Ormoc City, Leyte