Isang bahay sa Ilocos Norte ni-raid ng mga police

47805ad6-3ec4-449d-984a-1d30caa9ce20

ILOCOS NORTE (Eagle News) – Ni-raid ng Ilocos Norte Police Public Safety Company ang tahanan ni Mr. Stephen Streegan y Flores ng Barangay 3, Burgos St., Vintar, Ilocos Norte. Si Streegan ay nahaharap sa kasong violation of RA 10591 o illegal possession of firearms and ammunition.

Isinagawa ang raid bandang 5:30 ng umaga nitong Biyernes, November 25, 2016 sa bisa ng search warrant na nilagdaan ni Judge Conrado A. Ragucos, RTC First Judicial Region, Branch 16 ng Laoag City. Ang nasabing raid ay pinangunahan ni Police Superintendent Amador Quiocho ng INPPSC at sinaksihan naman ng mga barangay officials sa pangunguna ni Brgy. Captain Ruby Dela Cruz.

Nakuha sa loob ng tahanan ni Streegan ang mga sumusunod:

  • 1 .38 revolver
  • 1 caliber 9mm
  • 1 air gun
  • 1 air soft
  • assorted ammunitions

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang verification na ginagawa ng pulisya sa nakuha nilang mga armas at mga bala.

Weller Reyes – EBC Correspondent, Ilocos Norte

02ade806-5781-4044-be5e-04d739caaa21

9c64184b-df7d-49d9-8a5b-c718bf33a3b2

48e2fa43-864c-4c06-ba42-5e863ffb22b4

4051b62b-d777-46f6-91cf-87adb3a8a614

47805ad6-3ec4-449d-984a-1d30caa9ce20

a10c6be2-314b-4a7d-9378-28ce78fa7761

d9dd6f0d-fdf0-41ba-839a-5b37d69cd0c4