Isang bilyong pisong ‘Build, Build, Build’ projects, pinasinayaan sa Cagayan

(Eagle News) — Pinasinayaan ng mga opisyal ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ang ilang milyong pisong halaga ng “Build, Build, Build” projects kasabay ng selebrasyon ng 24th anniversary ng ahensya.

Pinangunahan ni CEZA Administrator Raul Lambino ang groundbreaking ceremony para sa mga proyekto.

Kabilang dito ang 301 milyong pisong halaga ng mga warehouse sa port Irene sa Casambalangan Village, 426 milyong pisong halaga ng corporate at commercial centers sa Rapuli Village at 100 milyong pisong halaga ng Ropali Point Development sa Pozo-Robo.

Sisimulan din ng CEZA ang 155 milyong pisong halaga ng wharf sa San Vicente Village at 17 milyong pisong halaga ng sanitary landfill sa Diora-Sinungan Village.

Ayon kay Lambino, ang Port Irene ay planong gawing premier international port sa hilagang bahagi ng Pilipinas na kayang mag-accommodate ng mga barko para sa Asia-Pacific Market.