“Isang Bio, Isang Kilo,” inilunsad ng COMELEC, San Jose City

AGOSTO 18 (Agila Probinsya) — Inilunsad ng Commission on Election (COMELEC) ang “Isang bio, isang kilo” bilang pasasalamat sa mga botante ng San Jose City, Nueva Ecija na agarang tumugon sa kanilang campaign na “No Bio, No Boto”.

Ang nasabing aktibidad na inilunsad ng COMELEC ay aabot ng tatlong araw kung saan ay nagsimula ito noong Lunes,Agosto 17 at magtatapos ng Miyerkules, Agosto 19.

Ang mga residenteng na siyang magpaparehistro ay makatatanggap ng isang kilong bigas. Layunin nitong makahikayat ng marami pang botante ang makapagparehistro bago pa matapos ang headline sa Oktubre 31, 2015.

Hinikayat naman ang pakikiisa at pakikibahagi ng bawat mamayang botante na hindi pa napagpapa-biometrics sa lalong madaling panahon.

(Agila Probinsya Correspondents Ella Domingo-Reyes, Emil Baltazar)