Isang ginang patay sa pagguho ng lupa sa Labo, Camarines Norte; lima pa sugatan

LABO, Camarines Norte (Eagle News) — Sa kasagsagan ng matinding pag-ulan at malakas na hanging sanhi ng bagyong “Urduja,” gumuho ang isang bahagi ng bundok sa Purok 1 Barangay Exciban, Labo, Camarines Norte dahilan upang matabunan ang isang bahay na pag-aari ng residente na nagngangalang Francis Bio.

Bandang alas-dos ng madaling araw ng mangyari ang insidente kung saan natabunan ang isang ginang na nakilalang si Conchita Nequia, 58 taong gulang at lima naman sa mga kasama pa nito ay sugatan kabilang na ang tatlong anak nito.

Pumailalim si Nequia sa mismong bahay, at bago pa man mailabas sa pagkakaipit ng MDRRMO-Labo bandang alas singko ng umaga ay idineklara nang dead-on-the spot ang ginang. Malubha namang nasugatan si Bio na tumangging magpadala sa ospital.

Nakataas ngayon sa lungsod and Storm Signal Number 1, dulot ng bagyong Urduja.

(Eagle News Service details by Orlando Encinares, photos courtesy of Rey Kenneth Oning)

Related Post

This website uses cookies.