MANILA, Philippines (Eagle News) — Plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magtanim ng isang milyong puno ng kawayan sa susunod na anim na taon.
Layon nitong mabawasan ang epekto ng climate change at mabigyan ng kabuhayan ang mga pamilya sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ito ang kauna-unahang naglunsad ang ahensya ng massive planting ng kawayan bilang bahagi ng National Greening Program ng pamahalaan.
Ayon sa DENR, ang kawayan ay nakakatulong sa pagbawas ng carbon dioxide ng higit tatlong beses kumpara sa forest trees.
Tataniman din ng kawayan ang mga watershed area ng bansa.