BROOKES POINT, Palawan (Eagle News) – Nakitaang muli ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mga paglabag ang Ipilan Nickel Corporation sa Brookes Point, Palawan.
Ayon kay Felizardo Cayatoc ng Provincial Environment and Natural Resources Office, kabilang sa paglabag ng naturang kumpanya ay ang pag-construct ng mine yard road sa Brgy. Maasin kahit pa wala itong clearance mula sa DENR.
Kanselado ang Environmental Compliance Certificate (ECC) ng kumpanya simula pa noobg Disyembre ng nakaraang taon at nananatili pang suspendido ang kanilang operasyon.
Maliban dito, nakita rin ng composite team na binubuo ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), Environmental Management Bureau (EMB), Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) at local government unit ng Brooke’s Point ang ilang pagkasira pa sa kabundukan na dulot ng minahan.
Dahil dito, sinabi ni Cayatoc na kasama sa kanilang rekomendasyon ay tuluyan nang ipasara ang Ipilan Mining Corporation sa Brookes Point.
Anne Ramos – Eagle News Correspondent, Palawan