Eagle News — Patuloy pa ring hinahanap ng mga owtoridad ang isang 60-anyos na Pilipina na nawawala matapos masunog ang isang high-rise residential building sa London nitong Miyerkules, Hunyo 13.
Ayon kay Sen. Joel villanueva, napa-ulat na nawawala ang ginang na nakilalang si Ligaya Moore sa nangyaring sunog na tumupok sa Grenfell Tower.
Si Moore ay mag-isang naninirahan sa 21st floor ng apartment building na may 27 palapag. Una nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na may mga Pilipinong nasugatan sa nasabing sunog.