Isang pulis binangga ng motorsiklo habang nagmamando sa checkpoint

BALIUAG, Bulacan (Eagle News) – Nabali ang binti at nagtamo ng mga sugat sa katawan si Police Senior Inspector Jericho Redon ng San Rafael, Bulacan nang banggain ng isang motorsiklo.

Ayon sa mga pulis, pinahihinto ng biktimang pulis ang dalawang magkasunod na motorsiklo dahil walang suot na helmet ang mga sakay nito. Subalit binalewala lamang ng driver ang pulis ng naunang motor at dumiretso lamang ito.

Ang driver ng ikalawang m0tor ay sinadyang aniyang banggain ang opisyal. Sa lakas ng pagkabangga ay kapuwa sila bumagsak sa lupa kasama ang angkas nito. Kinilala ang driver na si Johnny Anastacio at ang angkas nito ay si Jonathan Pile. Kasalukuyang nakapiit sa Munisipyo ang driver na kinasuhan na ng frustrated murder. Samantala, isinugod naman sa ospital si Inspector Redon at si Pile.

Courtesy: Beth Cuaderno, Jimbo Tejano – Baliuag, Bulacan Correspondent

Related Post

This website uses cookies.