Isang stranded na Risso’s dolphin, na-rescue sa Puerto Princesa, Palawan

PUERTO PRINCESA City, Palawan (Eagle News) — Isang dolphin ang na-stranded at na-rescue ng awtoridad kahapon sa baybayin ng Puerto Princesa City, Palawan.

Ang pag-rescue ay pinangunahan ng hepe ng Irawan Police Station na si Police Insp. Felix Venancio Rivera kasama ang kinatawan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) na si Ms. Aiza Nuñez.

Nang makarating ang report sa PCSD na may na-stranded  na dolphin sa baybayin ng Sitio Tagbarungis, Brgy. Inagawan, ay agad nila itong tinungo.

Ayon sa mga residente na nakakita sa dolphin ay inakala lamang nila na may mga batang naglalangoy at naglalaro sa tabing baybayin ng kanilang barangay.

Ngunit nang kanila itong lapitan ay isa palang dolphin ang sumadsad sa mabuhanging bahagi ng dalampasigan.

Matapos na makunan ng mga datos at ilang detalye ang dolphin ay agad din naman itong dinala ng PCSD staff at barangay officials sa malalim na bahagi ng dagat.

Ayon sa kinatawan ng PCSD, natukoy nila na ito ay isang uri ng Risso’s dolphin.

(Anne Ramos – Eagle News Correspondent)

 

Related Post

This website uses cookies.