Isinagawa ng DTI Bataan ang Bottom Up Budgeting Assembly at turn-over ng tseke

BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) Bataan ang Bottom Up Budgeting Assembly (BUB) sa Plaza Hotel, Balanga City noong martes, November 15, 2016. Kasabay din nito ang ginawang pag-turn-over ng tseke sa mga Munisipyo na may DTI BUB Projects. Kabilang ang mga Bayan ng;

  • Hermosa
  • Limay
  • Bagac
  • Morong
  • Pilar

Bawat isa sa kanila ay naglatag ng accomplishments batay sa nakasaad sa kanilang work plan. Ang Bayan ng Mariveles at Pilar LGU’s ay nakasama rin sa 2016 BUB Projects ng DTI. Dumalo sa nasabing assembly sina Hermosa Mayor Jopet Inton, Mariveles Vice Mayor Lito Rubia at si DILG Provincial Director Myra Moral.

Ayon sa Ahensya malaking tulong sa kanilang community ang naidudulot ng BUB sapagkat nakakahanap sila ng mga bagong maliliit na negosyante at ang mga existing na ay patuloy na ginagabayan at tinutulungan sa pamamagitan ng programang ito ng DTI.

Josie Martinez – EBC Correspondent, Bataan

Related Post

This website uses cookies.