Sa pagtutulungan ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman at Partido State University sa Goa, Camarines Sur ay matagumpay na naisagawa ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Forum.
Isinagawa ang tatlong araw na training program ng UP sa mga faculty ng PSU na mula sa 39 na unibersidad at kolehiyo ng Bicol region. Isinagawa ang seminar sa Gymnasium ng PSU sa nasabing lalawigan.
Ang seminar ay mayroong tema na “Philippine Higher Education in an Integrating ASEAN: Seizing Opportunities, Confronting Challenges.
Layunin ng forum na ito na maipakita ng faculty members kung ano ang ibig sabihin ng ASEAN Integration. Ano ang hamon nito sa bawat pamantasan sa kabikulan at kung ano ang dapat gawin upang magamit ang opportunidad na bigay ng “ASEAN Integration.”
Ayon kay Dr. J. Prospero de Vera, UP Vice President for Public Affairs “ ang layunin ng ASEAN Integration, ay ang pagbuo ng komunidad ng mga bansa sa Asya, kasama sa konsepto ay ang pagbuo at pagpasa ng mga patakaran para ang mga tao at goods and services ay malayang gagalaw sa buong lugar sa Asya. Ayon pa rin sa kanya , ay may epekto ito sa edukasyon dahil sa movement ng human resources, practice ng propesyon sa buong banda ay dapat magbukas ang Pilipinas..
Ang nasabing integration ay hamon sa mga pamantasan na patasin ang kalidad ng curriculum edukasyon, ang quality of instruction at maging ang mga pasilidad ng paaralan. Upang makaakit ng mga student sa ibang rehiyon o maging mula sa ibang bansa.