Isinagawang Unity Games ng Iglesia Ni Cristo sa Surigao del Norte masayang dinaluhan ng mga kaanib

SURIGAO DEL NORTE (Ealge News) – Masiglang dinaluhan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang isinagawang Unity Games sa Surigao del Norte. Maaga pa lang ay dumating na ang mga kaanib na mula pa sa iba’t ibang lugar para makiisa at makibahagi sa nasabing aktibidad.

Isinagawa ng mga kaanib ng INC ang mga sumusunod bilang bahagi ng aktibidad;

  1. Parada
  2. Zumba
  3. Volleyball
  4. Basketball
  5. Taekwondo
  6. Badminton
  7. Tug of War
  8. Marathon
  9. Chess
  10. Maraming pang iba.

Masiglang nakipagkaisa ang mga ministro at ang kanilang pamilya sa pangunguna ni Bro. Israeli F. Gatchalian. Sa kabuuan matagumpay na natapos ang nasabing aktibidad.

Lubos na nagpapasalamat ang mga dumalo dahil sa pamamagitan aniya ng ganitong mga pagtitipon ay naipapakita nila ang kanilang kakayahan sa larangan ng sports. Nagdulot din sa kanila ng katuwaan ang nasabing aktibidad dahil nagkaroon din sila ng pagkakataon na makasama at makilala ang ibang pang kaanib ng INC sa nasabing lalawigan.

Courtesy: Jabes Juanite – Surigao del Norte Correspondent

Related Post

This website uses cookies.