(Eagle News) – Inako ng terrorist group na Islamic State in Iraq and Syria o ISIS ang naganap na pagsabog sa Manchester Arena kung saan nagsasagawa ng concert ang United States singer na si Ariana Grande.
Ginawa ito ng ISIS sa pamamagitan ng IS channels sa messaging app na Telegram.
Magugunitang aabot sa 22 katao ang namatay habang mayroong 59 sugatan sa naganap na suicide bombing na isinagawa matapos ang concert.
Kinondena naman ng iba’t ibang world leaders ang naganap na pang-aatake.