(Eagle News) — Patuloy na makakaapekto ang Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa southern Luzon, Visayas at Mindanao ngayong araw, Setyembre 20.
Maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western at Central Visayas at Mindanao.
Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may ilang mga pag-ulan.
Ang mga residente sa mga apektadong lugar ay binigyang babala sa posibleng pagtaas ng tubig at pagbaha dahil sa kalat-kalat na mga pag-ulan.
Samantala, ang mga baybaying tubig sa hilagang Luzon ay nasa maayos na kalagayan habang ang ibang parte naman ng bansa ay magkakaroon ng maulap na kalangitan at pag-ulan.