Kapwa nababahala ang Japan at Canada sa isinasagawang reclamation at militarization ng China sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng joint news conference ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Canadian Prime Minister Justin Trudeau bago ang Group of Seven (G7) Summit na isasagawa ngayong linggo.
Asahan umanong tatalakayin sa summit ang maritime security, global economy at terorismo.
Nabatid na nagbabatuhan ng akusasyon ang China at United States kaugnay ng militarisasyon sa South China Sea. (Eagle News)