Ni Mar Gabriel
Eagle News Service
Aabot sa 500 milyong Japanese yen o katumbas ng P210 milyong pisong halaga ng police equipment ang ipinagkaloob ngayon ng Japan government sa Philippine National Police sa ilalim ng kanilang “economic and social development program.”
Mismong si Japanese Ambassador Koji Heneda ang nanguna sa isinagawang turnover ceremony sa Kampo Crame na dinaluhan din ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.
Kabilang sa mga ipinagkaloob ng Japan ang 100 brand new patrol vehicles kung saan 87 dito ay mga Montero Sport, habang 13 ang Nissan Urban.
Bahagi din ng donasyon ang anim na ballistic shield at tig-440 ballistic helmet at bulletproof vest.
Ang mga bagong patrol vehicle ay nakatakdang ipamahagi sa mga highly urbanized city para makatulong sa anti-criminality campaign ng PNP para matiyak ang kaligtasan ng lahat kasama na ang mga Japanese national.