Japan, nakatakdang i-turn over sa PHL ang mga kagamitan para sa Marawi rehabilitation

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nakatakdang i-turn over ngayong buwan ng Japanese Government ang mahigit 20 units ng heavy machinery at iba pang equipment sa Pilipinas.

Bahagi ito ng tulong ng Japan para sa reconstruction at rehabilitasyon sa Marawi City.

Ayon sa Department of Finance (DOF), 27 heavy machinery at iba pang equipment ang ibibigay ng Japan na bahagi ng tulong nito sa Pilipinas sa ilalim ng Philippine-Japan Economic and Social Development Program.

Sa pagtataya ng Office of Civil Defense (OCD), aabot sa P150 bilyon ang magagastos sa rehabilitasyon sa Marawi.

https://youtu.be/BVcMpxhndW8