DAVAO CITY (Eagle News) – Pumirma sa isang kasunduan si Davao City Mayor Inday Sara Duterte at si Mayor Kenji Kitahashi ng Japanese City of Kitakyushu para sa isang Environmental Agreement. Ang nasabing Strategic Environmental Partnership Agreement ay kanilang pinirmahan sa Conference Hall ng City Hall, Davao kamakailan.
Layunin nito na mabuo ng isang proyekto sa Davao na gawin ang lungsod bilang isang modelo para sa “Intercity Cooperation sa Pilipinas”. Ang partnership agreement ay nagpapahintulot na matuto mula sa mga eksperto at mga technical personnel ng Kitakyushu City para makabuo ng sariling paraan ang Davao ng epektibong waste management system.
Ayon kay Mayor Sara, ang isyu tungkol sa solid management and handling, carbon emissions, at global warming ay mga universal ones at isang shared concern ng mga lungsod. Ito umano ay kapaki-pakinabang at napapanahon.
Si Mayor Kitahashi ay sinamahan ng iba pang mga opisyal ng Kitakyushu at mga kinatawan ng Nippon Steel at Sumikin Engineering Co., Ltd., at ang Japan International Cooperation Agency (JICA).
Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City