JBC shortlist, pagbabatayan ni Pangulong Duterte sa magiging susunod na Ombudsman – Malacañang

(Eagle News) — Nilinaw ng Malacañang na naka-depende pa rin sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) ang susunod na Ombudsman kapalit ng magreretirong si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hihintayin ng Malacañang ang shortlist ng JBC kung saan dito pipili si Pangulong Duterte.

Kabilang sa mga nag-apply sa JBC bilang Ombudsman sina Edna Batacan, Rex Rico, Rey Ifurung, Felito Ramirez, Rainier Madrid, Judge Carlos Espero Ii, Special Prosecutor Edilberto Sandoval, Labor Secretary Silvestre Bello III, Supreme Court Associate Justice Samuel Martires at Sandiganbayan Associate Justice Efren Dela Cruz.

Related Post

This website uses cookies.