(Eagle News) — Mahigit labin-isang libong trabaho na may kaugnayan sa massive infrastructure program ng gobyerno ang maaaring applyan ng publiko simula ngayong araw, Mayo 29.
Sa ilalim ito ng “Jobs, Jobs, Jobs” portal o website.
Sa nasabing portal na opisyal na inilunsad ngayong araw ay naka-post na ang mga available na trabaho sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng gobyerno.
Maaari nang i-access ang website na www.build.gov.ph , kung saan nakapost ang nasa 11,063 na trabaho mula sa iba’t-ibang contractors.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, target ng gobyerno na makapagpost ng mahigit isandaang libong trabaho sa nasabing portal upang makatulong sa maraming Pilipino sa paghahanap nila ng trabaho.
“The “Jobs, Jobs, Jobs” portal will serve as a job matching platform between potential employers and employees as the government moves to complement its “Build, Build, Build” infrastructure initiatives with more job opportunities for Filipinos,” pahayag ni Villar.