Joint military training ng PHL at Malaysia, isasagawa

(Eagle News) — Palalakasin ng Pilipinas at Malaysia ang seguridad sa karagatan laban sa mga pirata at terorista na nasa pagitan ng karagatan ng Pilipinas at Malaysia.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang isyu sa terorismo ang pangunahing agenda ng bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Mahatir Mohammad sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Joint border patrol

Ayon kay Roque, ang umiiral na joint border patrol sa pagitan ng Philippine Navy at Malaysian Navy ay mas palalakasin pa.

Inihayag ni Roque mula sa joint border patrol ay gagawin na itong joint military training sa pagitan ng Philippine military at Malaysian military.

Niliwanag ni Roque na layunin ng pagtatag ng joint military training sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia para labanan ang lumalaganap na operasyon ng international terror group na ISIS sa Southeast Asia.

“Palalakasin ang joint military training lalung-lalo na po sa pagdating sa karagatan, kasi ang meron tayong mga proposals ay iyong mga joint naval patrols ng karagatan sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia,” pahayag ni Roque.

https://youtu.be/I7rqCz85Y5U