(Eagle News) — Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental ngayong araw, Pebrero 27.
Naitala ang pagyanig sa 207 kilometers southeast ng Jose Abad Santos, kaninang alas 8:11 ng umaga .
May lalim na 124 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng lindol at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.