JTF-NCR ng militar, tutulong na rin sa war on drugs ng pamahalaan

(Eagle News) – Kasali na rin sa kampanya kontra-droga ng pamahalaan ang Joint Task Force (JTF)-National Capital Region ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang inihayag ng bagong talagang pinuno ng JTF-NCR na si Brig. Gen. Allan Arrojado.

Ayon kay Arrojado, pangunahing papel ng JTF-NCR ang pagbibigay ng intelligence information.

Paliwanag ni Arrojado, ang mga makukuhang impormasyon ng unit na may kinalaman sa droga ay ipapasa sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na lead agency sa war on drugs campaign.

Aniya, sa ngayon ay limitado lang ang kanilang partisipasyon sa pakikipag-coordinate sa dalawang ahensya pero kung darating ang panahon na kailanganin ang mas malaki nilang papel sa war on drugs ay handa ang JTF-NCR na tugunan ito.

 

 

Related Post

This website uses cookies.