(Eagle News) — Nag-inhibit ang isang hukom ng Regional Trial Court sa pagdinig sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Sa lumabas na kautusan noong Marso 15, nilinaw ni Judge Irineo Pangilinan Jr. ng Angeles City RTC branch 58 na kusang loob siyang nag-inhibit at hindi dahil sa apela ng akusadong si Police Superintendent Rafael Dumlao III.
Ito ay nang ideklara ni Judge Pangilinan na gawing state witness si Senior Police Officer 4 Roy Leviste Villegas sa kaso.
Nais mapatunayan sa korte na nagkaroon ng conspiracy sa mga opisyal ng pulisya sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman.
Si Jee ay dinukot noong Oktubre 2016, pinatay, ipina-cremate at ibinuhos ang abo sa isang palikuran.