Hinatulan ng Sandiganbayan si Jun Lozada ng anim hanggang sampung taong pagka-kulong matapos mapatunayang may sala sa kasong graft.
Ito ay may kaugnayan sa pag-bibigay niya sa kanyang kapatid at pribadong kumpanya ng separate lease-hold rights ng mga pam-publikong lupain sa ilalim ng Lupang Hinirang program ng Philippine Forest Corporation.
Napatunuyang lumabag si Jun Lozada at kanyang kapatid na si Jose Orlando Lozada na lumabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Gayunman hindi napatunayang nilabag ng magkapatid ang section 3H ng nasabing batas sa kaso.
Si Lozada ang whistle-blower ng multi-million NBN ZTE deal kung saan kasangkot si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.