Giit nila, nasa 700, 000 hanggang 1, 000, 000 estudyante umano ang nanganganib na hindi makapagpatuloy sa grade 11 dahil sa kakulangan ng mga pampublikong paaralan na nag nag-aalok ng Senior High School (SHS).
Pero giit naman ng DepEd, may 5,900 na public schools anila na nag-aalok ng Academic at Technical-Vocational tracks para sa mga incoming grade 11 o SHS students.
Kaya anilang i-accommodate ng naturang public schools ang 80% ng 1.5 million incoming Senior High School students sa buong bansa habang maliban sa mga ito, mayroon ding 5,023 na pribadong paaralan na nag-aalok din ng SHS kung saan nakahanda umano ang DepEd na suportahan ang pag-aaral ng mga estudyante sa pamamagitan ng kanilang voucher system na nagkakahalaga ng 22,500 pesos.
Dagdag pa ng DepEd, patuloy anila ang pakikipag-usap nila sa mga pribadong paaraalan na kung maaari ay huwag nang taasan ang tuition ng higit sa halaga ng voucher.
Samantala, nakahanda na rin anila ang mga learning material na gagamitin ng incoming grade 11 students, pero kung magkakaroon ng delay ang delivery nito sa ibang lugar, alam na anila ng mga guro kung anong mga alternatibong aklat ang maaari nilang gamitin.
Kung may mga katanungan kaugnay sa Senior High School program ng DepEd ay maaari umano silang tawagan sa kanilang hotline sa numerong 667-1188.