Kabahayan sa Malvar St., Poblacion, Coron, Palawan, tinupok ng apoy

CORON, Palawan (Eagle News) – Isang sunog ang naganap nitong Huwebes ng gabi, October 27 sa Malvar Street Barangay Poblacion 2, Coron, Palawan. Ayon sa nakalap na impormasyon pasado 6:00 ng gabi nang magsimula ang apoy sa isang bahay sa nasabing lugar.

Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni Senior Fire Officer 2 Rene Francis Ayayo. Dahil sa halos magkakadikit ang mga bahay at yari sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy. Kaya hindi na nagawa ng mga residente na maisalba ang kanilang kagamitan. Napag-alaman din na ang iba ay lumundag na sa dagat para sa kanilang kaligtasan.

Pansamantalang naging evacuation center ang Coron Coliseum para sa mga nasunugan. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at ang halaga ng naging pinsala.

JC Montes – EBC Correspondent, Coron, Palawan

93bbcc96-7212-4e15-8385-ae8c53e3eac6

97741cd8-68e2-4aba-a66c-c47ae9a0d671

57951784-9d18-47b7-acbe-9d3703d29a86

ca287e76-8bbe-41f3-9fe1-7ea7c166cd8a