ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Nagsagawa ng clean up drive ang mga kabataang Iglesia Ni Cristo sa Baranggay Naungan, Ormoc City, Leyte kamakailan. Pinangunahan ito ni Bro. Herbert Pueden, Ministro ng ebanghelyo at siyang Katiwala sa Kapisanang Pangsambahayan.
Layunin nito ay upang imulat sila sa kamalayan na pahalagahan at pagmalasakitan ang kalinisan ng ating kapaligaran. Lalo na sa kasalukuyan ay ramdam na halos ng lahat ang epekto ng climate change.
Labis ang katuwaan ng mga nakiisang mga kabataan sa nasabing aktibidad na mula pa sa iba’t-ibang barangay ng Ormoc City. Pagkatapos ng paglilinis ay sama-sama silang kumain ng pananghalian.
Alysa Mae Apsay – EBC Correspondent, Ormoc City