Kabiguan ng pamahalaan na malutas ang problema sa transportasyon, binatikos

MANILA, Philippines (Eagle News) — Isang malaking hamon daw sa mga tumatakbo sa pagkapangulo ngayong 2016 elections ang usapin sa problema ng transportasyon sa bansa.

Panawagan ng grupong Piston sa susunod na magiging presidente ng bansa na unahin ang kapakanan ng publiko at huwag pairalin ang personal na interes sa pagresolba sa problema ng transportasyon.

Binatikos din ng Piston ang pamahalaang Aquino dahil sa kawalan umano ng aksyon sa naturang problema.

This website uses cookies.