QUEZON City, Philippines — Isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo mula sa kapisanan ng Kabataang may Diwang Wagas (KADIWA) ang aktibidad na Acoustic Sessions na kinapapalooban ng acoustic music na punong-puno ng christian values.
Ito ay ginanap sa UP Alumni Center noong Linggo na nilahukan ng iba’t-ibang lokal sa Distrito ng Quezon City na pinangunahan ng Tagapangasiwa ng Distrito na si Kapatid na Arnel T. Verceles.
Ang aktibidad ay sinimulan ng isang panalangin at performance nina Apple Chui kasama ang kaniyang co-DJ na si Bob Crisostomo. Sinundan din ito ng performance nina Aikee, Davey Langit, Chadleen Lacdo-o at maging ng mga INC band na mula pa sa iba’t-ibang lokal.
Maliban sa mga performance ay mayroon ding face painting activity at short films na ipinalabas kung saan ito ang naging inspirasyon ng mga kapatid na nagperform sa aktibidad.
Sa kabuuan ay naging matagumpay at masaya ang mga kapatid na dumalo sa Acoustic sessions. (MRFB)