KADIWA Entrepreneur & Trade Fair isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Ormoc City

ORMOC City, Leyte —  Masiglang dinaluhan ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na kabilang sa Kapisanang KADIWA (Kabataang may Diwang Wagas), isang kapisanan sa loob Iglesia Ni Cristo na kabilang sa edad na may 18 taong gulang pataas na wala pang asawa, ang isinagawang KADIWA Entrepreneur & Trade Fair. Isinagawa ito sa Can-adieng Covered Court, maagang nagpuntahan sa venue ang mga interesado sa pagnenegosyo.

Sina Francisco Agapito Jr., Armel Zamora, Jeffrey Cabano-ang at Andres Abilar na pawang mga kaanib din sa INC ang mga naging tagapagsalita.

Layunin ng nasabing aktibidad na matulungan at magabayan ang mga kabataang Iglesia upang lumago ang kanilang kabuhayan at maragdagan ang kanilang kaalaman sa larangan ng pagnenegosyo. Namigay din ng freebies sa mga dumalo na masiglang nakipagpalitan ng mga opinyon.

(Eagle News, Alyza Mae Apsay)

Related Post

This website uses cookies.