KADIWA Meet and Greet, isinagawa ng mga kabataang Iglesia ni Cristo sa Urdaneta City, Pangasinan

URDANETA City, Pangasinan (Eagle News) —  Matagumpay na naisagawa ang isang aktibidad ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Pangasinan (Distrito ng Pangasinan East) na tinawag na “KADIWA Meet and Greet”. Dinaluhan ito ng mga Pangulo, Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Kapisanang KADIWA na kinabibilangan ng mga kabataang may edad labingwalo pataas at wala pang asawa. Ang mga dumalo ay nagmula sa mga lokal ng Iglesia Ni Cristo sa silangang bahagi ng Pangasinan.

Sa nasabing aktibidad, nagpamalas ang ilang kaanib ng kanilang talento sa pagkanta at pagsayaw. Nagkaroon din ng masasayang palaro at pamamahagi ng ilang souvenir items tulad ng bag, tumbler at iba pa.

Ayon kay Kapatid na Teodorico Lapada, Jr., Ministro ng Iglesia Ni Cristo, layunin ng nasabing programa na mapasigla ang mga nangunguna sa Kapisanang KADIWA at makilala nila ang bawat isa upang mabuo ang isang pagkakaibigan kahit iba’t-ibang lokal man ang kanilang pinanggalingan.

Nagtapos naman ang aktibidad sa isang simpleng salo salo.

(Eagle News Peterson Manzano – Urdaneta, Pangasinan Correspondent)

Related Post

This website uses cookies.