MANILA, Philippines (Eagle News) — Ibinasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang kahilingan ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magsagawa ng technical examination sa mga balota sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.
Ang Supreme Court na syang tumatayong PET ay naglabas ng ruling noong ika-29 ng Agosto na bumabasura sa kahilingan ng dating senador.
Kakulangan ng merito ng petisyon ang naging dahilan ng desisyon.
Una nang naghain ng election protest si Marcos at hiniling sa PET na magsagawa ng technical at forensic examination sa lahat ng balota sa Basilan, Maguindanao, at Lanao del Sur.
Ang mga boto sa nasabing probinsya ang nais ipawalang bisa ng dating senador dahil umano sa dayaan sa eleksyon.
Kontra naman ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa nasabing mosyon dahil labag umano ito sa rule ng PET.
https://youtu.be/BZMJ67Lkdy4