Pinangunahan ng Regional Development Council ang isinagawang State of the Regions Development Conference na dinaluhan ng mga opisyal ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno at maging mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
Inihayag ni RDC Vice Chairman at NEDA Regional Director Nestor Rillon ang kasalukuyang kalagayan ng pamumuhay sa Region 1.
Aniya, ang ekonomiya ng Region 1 ay patuloy na lumalago. Bagaman nakapagtala ng 5.7 % growth noong taong 2014 ay mas mababa naman ito kumpara sa 6.8 % growth noong taong 2013.
Di umano, ito ay dahil sa mabagal na pag-unlad sa sector ng industriya at serbisyo.
Base sa monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Immigration (BOI) ang dami ng nalikhang investment ay bumaba ng 9.54 % mula 7.64 billion pesos noong taong 2014, samantala bumaba din ito sa 7.16 billion pesos noong 2015.
Maging ang exports ay bumaba ng 18.63 % katunayan mula sa 37.57 million dollars noong 2014 ay naging 30.57 million dollars na lamang ito noong 2015.
Ayon sa datos, tumaas ang unemployment rate; mula 7.5 % noong 2014 ay naging 8.5% noong 2015. Mas dumami na rin di umano ang pamilya na nasa mahirap na kalagayan. Katunayan mula 16.7 % noong 2012 ay tumaas ito ng 17.2 % noong 2015.
Ayon sa sector ng agrikultura 163.99 % ang food sufficiency ng buong rehiyon. Samantala, napanatiling mababa ang inflation rate ng hanggang 1.4 % noong nakaraang taon. (Eagle News, Rj Dacanay)