Kakayahan ng militar sa pag-detect ng IED paiigtingin ng Wesmincom

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Lalo ngayong paiigtingin ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (Wesmincom) ang kanilang mga kakayahan para ma-detect ang mga improvised explosive device (IED).

Sa pagbisita ni Lt. Gen Carlito Galvez sa mga kampo ng sundalo sa area ng Basilan at Sulu kung saan inilulunsad ang mga military operations laban sa mga bandidong grupo, sinabi nitong dapat madagdagan ang mga kaalaman ng mga tropa sa pag-detect ng mga IED habang nasa operasyon.

Ito ay dahil ginagamit na ito ng mga terorista laban sa puwersa ng pamahalaan katulad ng nangyayari sa Marawi City kung saan may mga sundalong napatay sa engkuwentro.

Nais ni Galvez na wala nang sundalong magbuwis ng buhay habang winawasak ng mga tropa ang mga kutang pinagtataguan pa ng mga Abu Sayyaf.

Napag-alaman na ang mga Abu Sayyaf na ito ay kumukuha ng suporta sa pandaigdigang grupo ng mga terorista sa pamamagitan ng social media.

 

Christine Garcia – Eagle News Correspondent, Zamboanga City

Related Post

This website uses cookies.