Kakulangan ng mga voting official dahilan ng pagbagal ng botohan sa ibang presinto sa isang paaralan sa Bulacan

 

STA. MARIA, Bulacan (Eagle News) – Ilang oras mula nang opisyal na mag-umpisa ang halalan ay nag-uumpisa na rin ang build-up ng mga pila sa bawat presinto sa Paaralang Elementarya ng Sta. Clara.

Ito ay hindi katulad kaninang alas 7:00 ng umaga na mabilis lang ang proseso ng pagboto.

Ayon sa mga watchers, ang matagal ay ang pamamahagi ng mga balota.

Mapapansin rin na mayroon lamang tatlong opisyal sa bawat presinto: Una ay ang nagkukumpirma ng pangalan at ang dalawa naman ay ang nagpapapirma at nagbibigay ng mga balota na siya rin namang kanilang tinatanggap pag ito’y nasagutan na.

Nagkakasalubong na tuloy ang mga boboto pa lamang at ang mga magpapasa na ng balota. Faye Alava, Eagle News Service

 

 

Related Post

This website uses cookies.