MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Ininspeksiyon ng mga pulis ang lahat ng reformation center sa lahat ng munisipalidad sa buong Bataan.
Ayon kay PCI Raquel M. Pagnas ng Region 3-Philippine National Police, ang nasabing inspeksiyon ay ayon sa direktiba ni PCSupt. Aaron Nagtalon Aquino, Regional Director 3 para matiyak ang kalagayan ng drug surrenderees.
Ayon kay Pagnas, nasa maayos naman ang mga pasilidad ng reformation centers para sa mga drug surrenderee.
Sumasailalim din ang mga ito sa mental and medical process at training program ng Technical Education and Skills Development Authority.
Dagdag pa ni PCI Pagnas, layunin ng nasabing inspeksiyon na ma-i-adopt ng ibang lalawigan sa Region 3 ang reformation center sa Bataan na kauna-unahang nagkaroon ng rehabilitasyon sa buong Region 3 sa tulong ng Provincial at mga Local Government Unit, mga drug convenors at ilang kompanya sa lalawigan.
Matatandaan na ang Bataan ang kauna-unahang lalawigan na ideniklarang drug -free zone.
Isa rin ang Mariveles na nag-ambag ng malaking bilang ng mga drug surrenderee sa lalawigan.
Larry Biscocho – EBC Correspondent, Bataan