Kalagayan ng panahon dulot ng Bagyong Nina sa Bayan ng Mariveles, Bataan

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Nakakaranas na sa kasalukuyan ng malakas na hangin at malalaking alon sa karagatan ang Bayan ng Mariveles dulot ng bagyong Nina. Isa na rito ang Brgy. Biaan, Sitio Kutad at mga karatig baranggay nito.  Nasa storm signal no. 2 na ang buong lalawigan ng Bataan.

Nag-abiso naman ang Municipal Disaster Risk Reduction Management sa lahat ng mangingisda na bawal munang pumalaot lalo na ang maliliit na bangka para na rin sa kanilang kaligtasan. Nakaantabay din ang buong puwersa ng PNP at Philippine Army sa lalawigan para sa pagresponde sakaling may mga landslide o ililikas na mga apektadong residente.

Nakahanda rin ang Municipal Social Welfare & Development para sa distribution ng relief goods sakaling magkaroon ng tao ang mga evacuation center na inihanda ng lokal na Pamahalaan. Pinag-iingat din ang mga motorista sa bahagi ng sigsag road sa Mariveles dahil sa madulas na daan dulot ng pagbuhos ng ulan.

Larry Biscocho – EBC Correspondent, Bataan

2b94982d-1618-4846-b2db-91089fad3634 79ca209e-ed19-4fba-bc45-cb485043ca05 0175a894-f60e-4c48-a397-bc271dbaf3a3 b2b1383b-de7b-495f-98be-47d6d02b1488 bb166425-e612-4425-84f4-79b4bbf5cb12 c260cc8e-2376-4e66-8424-21b3e691ea50 d82f3a33-b938-48d6-8404-4d879ea75b72 dfa4a952-c3f2-4fe2-ba1d-c45246aae458