CALOOCAN CITY (Eagle News) – Arestado ang isang leader ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Barangay Sta. Quiteria, Caloocan City noong Linggo, February 12 bandang 4:20 ng hapon. Sa impormasyon nakuha ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng National Capital Region (NCR), kinilala ang suspek na si Ferdinand Castillo na nagsilbing kalihim ng Metro Manila Regional Party Committee ng CPP-NPA.
Nahuli ang suspek makaraang magsilbi ng warrant of arrest ang CIDG NCR at Intelligence Service Group ng Philippine Army para sa mga kasong double murder at multiple attempted murder. Nakumpiska kay Castillo ang isang 45 kalibre ng baril na may limang bala at mga samot saring ID o identification cards. Kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act ang isasampa laban sa suspek.
Jaime Malayo, Jr. – EBC Correspondent, Caloocan City