KALINGA (Eagle News) – Nagbabala ang Kalinga Provincial Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa posibleng pagguho ng lupa o landslide dahil sa tuluy-tuloy na mga pag-ulan. Kasalukuyang minomonitor ang mga bayan na prone sa landslide tulad ng sumusunod:
- Lubuagan
- Tinglayan
- Pasil
- Pinukpuk
- Balbalan (Upper Kalinga)
Naka-close monitoring din ang DPWH Kalinga sa mga daan lalo na sa Tabuk-Bontoc Road na kadalasang hindi madaanan kapag ganitong may mga pag-ulan dahil sa pagguho ng lupa.
Ayon kay PDRRMO Officer in Charge Richard Anniban, maging ang mga residente malapit sa Chico River ay pinapag-iingat din sa posibleng pagtaas ng water level kapag nagtuluy-tuloy pa ang pag-ulan. Sa kasalukuyan ay passable pa ang mga daan. Nanatili pa ring stable ang supply ng kuryente kung saan ay naibalik na rin matapos ng halos dalawang buwan pananalasa ng bagyong Lawin sa probinsya.
JB Sison – EBC Correspondent, Kalinga