PANAMPUNAN, Tarlac — Ang “Kalusugan Muna” ay isa lamang sa mga proyektong inilulunsad ng pamahalaang ng lalawigan ng Tarlac upang kalingain ang mga senior citizens sa nasabing lalawigan.
Pinangunahan ng Chairman ng Committee on Health na si Board Member Cristy Angeles ng segundo distrito ang pamimigay ng reading glasses sa mga senior citizens sa Brgy. Panampunan, lungsod ng Tarlac.
Nasa bilang na limang daan na senior citizens ang nabiyayaan ng reading glasses.
Sa record nasa ika-limaput-apat na batch na ang mga naipamahaging reading glasses sa mga mamamayang tarlakenyo at tinatayang nasa 28,200 na ang kabuuang naipamahagi.
Malaki umano ang naging pasasalamat ng mga senior citizens sa gobyerno at kay Board Member Cristy Angeles dahil sa walang sawa nilang pagkalinga sa kanila.
Anila hindi lamang reading glasses ang kanilang natatanggap mula sa gobyerno kundi maging ang iba pa nilang pangangailangan sa kanilang kalusugan. (Agila Probinsya Tarlac Correspondent Nora Dominguez, Eagle News Service MRFaith Bonalos)