Report by Erwin Temperante
Eagle News — Nasa ikalawang taon na ang kautusan para sa Smoke Free Philippines.
Ikinasiya naman ng Dept. of Health na bumaba ang kaso ng atake sa puso dahil sa pag-iral ng smoke-free environment dahil sa paninigarilyo.
Muling ipinaalala ng health dept ang magandang dulot ng smoke-free environment sa publiko.
Ito ang tema ng ikalawang taon paggunita ng doh sa pagpapatupad ng Executive Order No.26 o ang smoke free ph na nilagdaan no Pangulo Rodrigo Duterte noong 2017.
Ayon sa health dept, bumaba ang kaso ng heart attack dahil sa pagpapatupad ng smoke-free environment mula sa paninigarilyo.
Batay sa global studies ng who noong 2014, 17 percent ang ibinaba ng heart attack noong 2009, 10 percent naman noong 2010 at 13 percent noong 2013.
Sa Pilipinas, 150,000 ang namamatay bawat taon, o 410,000 bawat araw o 17 Filipino ang namamatay bawat oras dahil sa paninigarilyo.
Si Emer Rojas ng New Vois Association of the Philippines isa sa naging biktima ng paninigarilyo.
Nasira ang vocal voice nito dahil sa labis na paninigarilyo. Tanging ang makabagong teknolohiya ang nagbibigay ng artipisyal na boses nito upang makapagsalita.
Nais ng DOH na maging matagumpay ang pagpatupad ng Executive Order No.26 ng Pangulong Duterte kaya naman nagtatag ng Regional Tobacco Control Network ang DOH sa bawat region upang mabantayan ang pagbuo ng mga polisiya sa bawat region at ang pagpapatupad ng naturang kautusan ng pangulo.
Nagtatag din ang DOH ng Quitline para sa mga nagnanais bumitaw sa paninigarilyo sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, dito nagbibigay ng counseling, advice maging referral sa mga nagnanais na tuluyang iwan ang paninigarilyo.