Karagdagang 7,000 hanggang 8,000 na pamilya, ililikas sa Mayon area – NDRRMC

LEGAZPI, Albay (Eagle News) – Karagdagang 7,000 hanggang 8,000 na pamilya ang inililikas na matapos itaas sa alert level 4 sa bulkang Mayon kasunod nang magma eruptions.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, inaayos ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at Albay Local Government ang evacuation. Kabuuang 6,498 na pamilya o katumbas ng 24,611 katao ang nasa loob ng 27 evacuation centers.

Dagdag pa ni Marasigan, naka-red alert na rin ang NDRRMC Operation Center sa loob ng Camp Aguinaldo. Ibig sabihin nito lahat ng mga tauhan mula sa mga concerned agency ay kinakailangang nasa kanilang operation center ng 24 oras araw-araw.

Nakipag-ugnayan na rin aniya sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagkain at non-food items para sa mga evacuee.

Related Post

This website uses cookies.