(Eagle News) — Karamihan sa mga Pilipino ang hindi kontento sa pagbaba ng presyo ng kuryente sa bansa..
Batay sa resulta ng isinagawang survey ng Pulse Asia, 60 percent ng karamihan sa mga Pinoy ang hindi nasasapatan sa singil sa kanilang kuryente.
Sa resulta ng ulat ng Bayan Survey, 60 percent ang nagsabing ‘di sila nasasapatan, 29 percent ang nagsabing medyo ‘di sila nasasapatan, habang 31 percent ang talagang ‘di nasasapatan.
Ang nasabing survey ay isinagawa nitong buwan ng Hunyo na may sample size na 1,800, at may nationwide error margin na ±2.3.