Isang makabuluhang istorya ang handog ng independent movie director at dating guro na si Ronald Rafer sa pelikula niya na “Jose Bartolome: Guro.”
Ito ang kanyang kauna-unahang advocacy film na tumatalakay sa kahalagahan ng edukasyon at ng mga guro.
Kinuha niya ang ang panganay sa magkakapatid na Medina na si Karl Medina bilang bida ng pelikula.
Ginampanan niya ang karakter ni Jose Bartolome na isang guro.