Kaso laban sa mga narco barangay official, inihahanda na ng PDEA

(Eagle News) — Matapos ang isinagawang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, inihahanda na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kasong isasampa sa 207 barangay officials na kasama sa narco-list.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, hindi palalagpasin ng ahensya ang sinumang kandidatong kabilang sa nasabing listahan nanalo man o natalo.

Sa naging resulta ng eleksyon, 26 na kapitan ng barangay at 15 na kagawad ang nanalo na kabilang sa narco list.

Dagdag pa ni Aquino, marami rin silang natanggap na ulat tungkol sa vote-buying kaya posibleng isagawa ang re-election sa mga narco-listed official.

https://youtu.be/8Lt7kxwZ9ww