(Eagle News) — Naitala sa mahigit apat na libo ang kaso ng dengue sa National Capital Region (NCR).
Batay sa pinakabagong datos ng Department of Health, simula noong Enero 1 hanggang Mayo 6 ng taong kasalukuyan ay umabot sa 4,195 ang dengue cases.
Tumaas ito ng labin-limang porsyento (15 %) kumpara noong 2016 na may naitalang tatlong libong kaso ng dengue.
Batay sa geographical areas, 12.4 percent ang kabuuang kaso ng dengue sa Metro Manila, habang 15.8 percent naman sa Central Visayas at 13.4 percent sa Central Luzon.
Kinumpirma rin ng DOH na nasa dalawampu’t dalawa ang naitalang kaso ng namatay dahil sa sakit na dengue sa Metro Manila.