Kaso ng dengue sa Nueva Ecija bumaba

NUEVA ECIJA (Eagle News) – Bumaba ng 35.65 % ang kaso ng dengue sa Nueva Ecija ngayong taon, batay ito sa nakalap na datos ng tanggapan ng Provincial Health Office. Mula Enero hanggang Setyembre 10, 2016 ay umabot lamang sa 1,314 ang naitalang kaso ng dengue kumpara sa 5,247 ng parehong saklaw na petsa ng taong 2015.

Ang mga lugar na may malaking bilang ng kaso ng dengue ay ang mga bayan ng:

  • Cabanatuan City – 277
  • Talugtug – 92
  • San Antonio – 92

May apat na naiulat na namatay dahil sa dengue. Dalawa ay mula sa San Jose at tig-isa naman ang Cabanatuan at Talugtug. Patuloy naman ang paghihikayat ni Sanitation Inspector IV Norberta Mallari sa mga mamamayan ng lalawigan na panatilihin ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran.

Dapat din aniyang sumunod sa 4’s strategy ng Pamahalaan kontra dengue na ito ay ang:

  1. Search and Destroy
  2. Self Protective Measures
  3. Seek Early Consultation
  4. Say No to Indiscriminate Fogging.

Eman Celestino – EBC Correspondent

Related Post

This website uses cookies.